Ano ang nagaganap sa unang konsultasyon?
Sa mundo ng medisina, nakukuha ang 80% ng diagnosis mula sa history ng pagkakasakit ng pasyente. Sa kasong ito, ang history ng pananakit o ”pain”.
Ang pananakit ay isang personal at suhetibong karanasan at hindi kayang sukatin ng anumang teknikal na instrumento. Kung kayat ang pasyente ang dapat magsikap na ipaliwanag ang kanyang nararanasang pananakit sa kanyang sariling salita, at ipakita kung aling parte ng katawan ang nakakaranas ng pananakit.
Ang natitirang 10% ng diagnosis ay nakukuha mula sa clinical examination. Kailangan ng doktor na maramdaman, mahawakan, mapisil, maamoy at mapakinggan ang lawak ng pananakit. Ang technical na examination ay magbibigay ng natitirang 10% ng diagnosis. Kasama dito ang picture techniques, blood tests at iba pang teknikal na pamamaraan.
Sa aming clinic sa Oslo, kami ay nagsasagawa ng x-ray examination of functions sa unang konsultasyon. Sa pain treatment, kailangan namin di lamang ang diagnosis ng sakit at pinsala, kundi pati ang pain diagnosis. Ang mga diagnoses na ito ay isinasagawa sa unang konsultasyon. Kung may katanungan hinggil sa mga diagnoses, maaari rin tayong magsagawa ng plano kung ano ang dapat gawin upang malaman kung aling parte ng katawan ang masakit at ano ang nagiging sanhi ng pananakit nito. Matapos nating pag-usapan ang mga diagnoses na ito, kailangan nating pag-usapan ang treatment.
Ang ang realistikong treatment o panggagamot?
Anong treatment ang dapat simulan?
Sino ang magsasagawa ng treatment?
Sino ang magpa-follow up ng resulta?
Sino ang dapat mag-adjust ng paraan habang isinasagawa ang treatment plan?
Ano ang puwedeng maggawa ng pasyente, upang makapag-function ng mabuti sa pang-araw araw na gawain at magkaroon ng mas kasiya-siyang pamumuhay?
Ang unang konsultasyon ay kadalasang tumatagal ng isang oras.
Isang journal ang ginagawa at ibinibigay sa pasyente, sa kanyang regular na doktor o kaya sa isang referring body.
Minsan ay hindi obvious ang lahat sa simula. Kung gayon, kinakailangan na magkaroon ng ilang konsultasyon bago natin makukuha ang mga kasagutan sa mga katanungan na ito.